Topo


the castle





belolats:

itosin8n:

Anino (unreleased track), Up Dharma Down

So I keep track of Up Dharma Down-related post here on Tumblr, and I’ve come across this post once or even twice a couple of weeks ago. I was skeptical at first when I saw this post. I verified this with Armi and asked if they had a song called ‘Anino’ and here’s what she said via SMS: 

yup from 6yrs ago. Never made it to Fragmented. But i’ll be re releasing it sometime soon

I thought this was from Imago and the one who posted it tagged the song incorrectly. But when I listened to it, it was Armi. Beautiful lyrics.

Can’t reblog this on the UdD site, so I am reblogging/posting it on my page instead. :D

I transcribed the lyrics: 

Anino
Armi Millare

Pagod na ang mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang, nakapako sa aking isipan
Tahan na, umiiyak ka na naman
Hindi ba’t ikaw din ang papahid ng luhang yan

Hindi ka ba nag-sasawa sa tuwing titindig at titig sa salamin
Lahat ay nag-wakas,nakamtan ang kalayaan ko
Habang mayroon pang nalalabing lakas, nais kong malaman mo

Heto ako, sumpang hindi na uulit pa
Heto ako, handang-handang iwanan ka
Heto ako, mamumuhay ng mag-isa
Heto ako, ba’t nariyan ka pa

Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganyan lang tal’ga, wala sa katwiran
Alam mo, tama na tapos na ang nakaraan
Hindi ito nararapat gawan ng paraan

Hindi ka ba naiinis sa tuwing ika’y sinisisi
Sa pag-ibig na kailan ma’y hindi na umusbong
Noon ay sinabik, ngunit ngayon ako’y nagbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit na silayan kang muli

Heto ako, nakatayo sa iyong harapan
Heto ako, handa na atang masaktan
Heto ako, ‘di na mag-papapigil pa
Heto ako, nariyan ka pa ba


Heto ako, dahil sa iyo’y gulong-gulo
Heto ako, sana’y paniwalaan mo
Heto ako, umaawit, litong-lito
Heto ako, unawain mo

Kailangan pa ba, kailangan kita
Nasaan ka na, nariyan ka pa ba
Ika’y sumumpa, hindi mawawala ang iyong pag-sinta
Huwag mo, huwag mo akong iiwan

Patawad kung ikaw ay nasaktan

(Source: mgakuhanin8n)

4,298 plays


571 notes ∞ Reblog 3 weeks ago

READ AND RELATE HERE

story of my life

READ AND RELATE HERE

story of my life


212,944 notes ∞ Reblog 3 weeks ago

READ AND RELATE HERE

READ AND RELATE HERE


42,524 notes ∞ Reblog 3 weeks ago

(Source: tashcasey)


59 notes ∞ Reblog 3 weeks ago
artwork by Ms. Clarina Mae Gonzales

artwork by Ms. Clarina Mae Gonzales


GK TRACK: Blog 3

LAST DAY - March 16, 2013

Huling pagbisita ko na sa GK. Malungkot. Kasi di namin makikita mga bata sa araw na ‘to, gagawa lang kasi kami ng mga pang design sa venue. Humingi kasi si Maam Grace ng tulong dahil maraming gagawin. Mga 10 siguro ako nakarating sa GK.

Unang ginawa namin ay ang mga lettering

sunod na ginawa namin ay ang “scrap book” ng mga bata kung saan nandoon ang kanilang mga larawan. May mga pictures noong field trip nila, christmas party, at mga pictures  noong ginagawa nila ang mga activities na inihanda namin :) 

 Natapos naman kami. Ngunit sobra lungkot nga lang. May iilan na mga bata ang dumalaw at tinignan kami. Pero pinakamalungkot lang ay yung fact na huling punta na namin ito. :( 

Lahat sila mamimiss ko, pero mga pinaka mamimiss ko ay sina: Joshua- Ang sweet-sweet niyang bata. Yayakap na lang bigla. Bibo din siya sa klase :) Creative din!Si Julianna- Siya ang depinisyon ng Hyper at sweet combined :) Matalino din si Julianna. si Marwell- Makulit na bata, kaibigan niya sina Jhiel at MC pero pag sinuway mo si Marwell makikinig siya. Madadal din siya at masayahin. :) Si sophie! Ang Prinsesa namin :) Siya ang pinaka sweet sa klase. Ikikiss ka na lang bigla. Lady like din. :) Active din siya sa klase at nakikinig naman sa sasabihin sa kanya :) Si Jhiel- nagulat ako na siya pala ang top 1 sa klase nila. Siya din kasi ang Top 2 sa kakulitan. Magaling na magsulat si Jhiel at mabilis niyang natatapos ang mga pinapagawa namin. naiintindihan din niya kaagad ang mga instructions. :) At si MC, ANG PINAKA MAKULITTTTTTTTTT. sobrang kulit niya di mo masasabayan ang bawat pagtakbo niya. nakakapagod mag alaga sa kanya :))) Baby pa si MC kaya di pa masyadong nakikinig. :))

Lahat sila mamimiss ko!! sana makadalaw ako uli. :) 


GK TRACK: Blog 2

Feb. 23,2013- PALARONG PINOY!!!!!!

-Feb 22, nagiisip ang grupo kung itutuloy pa namin ang Palar;ong Pinoy dahil karamihan sa mga larong naihanda namin ay puro sa labas at nagsusungit ang panahon. Dito sa Manila, walang tigil ang ulan. Nag post din sa FB Group namin si Maam Aleta na medyo maulan din sa Los Banos. Medyo di na ako sangayon na pumunta kami sa Los Banos, dahil una, masama ang panahon at baka di payagan ng mga magulang na pumasok sa eskwelahan ang mga bata. Pangalawa, di na aapprove ang Transpo namin kaya’t mag ccommute na lamang kami. Dahil dito nagaalala ang magulang ko dahil delikado at kamakailan lang ay madaming napabalita na road accidents na kinasasangkutan ng mga Bus. Ngunit ang sabi sa amin ni T. Grace, umaasa daw ang mga bata. Nakapag practice na din sila last week. Kaya hindi namin sila maaring biguin. Kaya kahit masungit ang panahon sa gabi ay tinuloy pa rin namin, kahit ayaw na kaming payagan ni Maam Aleta ;P

-Umaga ng Feb 23, 6am ang call time sa HM bus station sa Cubao, dahil nagbago na ako, maaga ako. YEHEY :)))

-Dumating kami sa Sibol school ng mg 10am, inayos na namin kaagad ang mg dapat ayusin. At sa kabutihang palad, sumikat si Haring Araw, sa sobrang sikat nga nito ay nakakasunog na ng balat. Marami ding nakapuntang mga bata. Mga nasa 20 siguro sila. Hinati namin sila sa 2 teams. Ang Red Team  at Blue team. Gumamit kami ng mga Robbon para magsilbing wrist bond :) 

image -Outdoor Games:

-Agawan Panyo (di natuloy dahil sobrang init) (PALARONG PINOY VERSION 2.0 na lang ginawa)
-Sack Race
-Tumbang Preso (di natuloy dahil sobrang init)
-Relay Game 
a. Buko game: pagugulungin yung buko hanggang finish line (Nakulangan ng oras kaya di na tuloy)
b. Bottle Relay: Isshoot yung straw sa mga bote
c. Tubig relay: Lahat ng bata may dalang cups tas pasahan ng tubig hanggang sa last member tapos paramihan ng naisalin na tubig (PALARONG PINOY VERSION 2.0 na lang ginawa)

-Patintero (di natuloy dahil sobrang init)

Indoor games: 
-Pass the message
-cotton relay
-cookie monster

-Higop M&Ms

-Nagpakain din kami sa mga bata ng masarap ng Spaghetti, PATOK NA PATOK SA KANILA!! :) 

-wala namang nasugatan o kung ano man, may mga umiyak lang pero masaya naman sila :) 

-sa Huli ay nanalo ang RED TEAM. :) medyo mali kami ng grouping malilit kasi yung mga napunta sa blue team :( imagedahil bata pa si MC tinutulungan at chinicheer namin siya ni kuya Cesar

may ibang mga kids na natatakot sa sack race kaya binuhat na lang namin sila :))) Si Joshua binuhat si Julianna :) image

-Dahil madaming di natapos na laro nagdesisyon kami na putulin na lang muna ang saya at ituloy sa susunod ang PALARONG PINOY 2.0 :) 


1 note ∞ Reblog 1 month ago

GK TRACK: Blog 1

Jan 13,2013

-Sibol School, Gawad Kalinga Los Banos Laguna.  Pagkatapos ng pagbisita namin noong Christmas Party ng mga bata, ito na ang tunay na tungkulin namin sa mga bata. Ito ang pinakaunang beses na makakasalamuha namin sila ng matagal, ng kami-kami lang :) 

-6:00am ang call time para sa grupo namin sa NCC. Maswerte kami at pinagbigyan kami ng OU ng transpo. 6am. Pero dumating ako ng mga 7am na ata. Sorry. Pasensya sa mga naabala ko. :( 

-Dumating kami sa Sibol School mga 10am na siguro. Sakto lang para sa schedule ng activities. Naghanda kami ng kwento para sa sa story telling, mga laro, at mga ice breakers. Naisip kasi namin na baka di sumunod sa amin  ang mga bata dahil unang beses lang naman nila kami nakita ng malapitan. Kaya nagpakilala ang buong grupo.

-Marami na akong namumukhaan mula sa Christmas Party nila, yung mga makukulit at hyper noon, sila parin nangunguna ngayon :))

-Bilang ice breaker, naglaro kami ng Bahay, Baboy, Bagyo. Nakakatuwa yung mga bata. dahil sa medyo di pa nila naiintindihan ag laro, kahit anong sabihin mo eh bagyo parin ang nangyayari at gulo-gulo sila. :))

-Para naman sa story telling napili namin ang librong “May Genie ba sa Bote ng Daddy ni Rocky?” Isa itong kwento tungkol sa isang bata na may kaibigan na may tatay na lasinggero. Natuwa naman ang mga bata at naintindihan ang kwento. Nakakatuwa lang dahil nagaaway sila dahil di makita ng isa yung maliit na libro at mga larawan dito. Dapat pala gumawa kami ng malaki na version ng libro. Noong natapos ako sa pagkwento, nagtanong ako ng mga tanong para malaman kung talagang nakinig sila. Nasagot naman ng karamihan, may isang bata pa nga na nagsabi na “Tatay ko din madaming bote, lagi din lasing” di ko alam kung anong irereact ko dito. :))

-Sa kabuuan, naging masaya naman ang aming pagdalaw, natuwa din naman ang mga bata sa aking palagay :) Masaya ako at magaan sa pakiramdam na madami kaming napasaya, At oo nga pala nag pafeeding program din kami ng sopas, sumobra pa nga at nagbigay pa kami sa mga kabaranggay nila. Sana mas maging masaya pa ang mga susunod na pagbisita :) 



read and relate 📖

read and relate 📖

(Source: kollarbone)


152,579 notes ∞ Reblog 1 month ago

"It doesn’t interest me how old you are. I want to know if you will risk looking like a fool,for love,for your dreams for the adventure of being alive."

-Oriah Mountain
1 2 3 4 5 »
Theme By: Heloísa Teixeira
Base By: Jahrenesis
Theme By: Heloísa Teixeira